National News
Mga Kandidato ng oposisyon, mas nabibiktima ng fake news sa social media – Sen. Pangilinan
Naniniwala si Senator Kiko Pangilinan na ang mga personalidad o pulitiko na kasama sa oposisyon ang mas nagiging biktima ng mga paninira o fake news sa mga social media platform.
Ibinase ng senador ang kaniyang pahayag sa pag-aaral ng University of the Philippines College of Mass Communication na ang mga kandidato ng Otso Diretso ng oposisyon ang pinaka nademonize noong 2019 midterm election.
Aniya, sa mga pinakamalakas na kandidato ng Otso Diretso na sina Sen. Bam Aquino at Mar Roxas nakapokus ang mga paninira sa social media noon.
Matatandaan na wala mula sa senatorial slate ng Otso Diretso ang nanalo noong nakaraang eleksyon.
Dahil dito ayon kay Pangilinan kailangan ng ma-address ang problema sa bahagi ng mga Social Media Platforms.