Connect with us

Mga kapitan, bawal mag-endorso ng politiko ngayong eleksyon – DILG

Mga kapitan, bawal mag-endorso ng politiko ngayong eleksyon - DILG

National News

Mga kapitan, bawal mag-endorso ng politiko ngayong eleksyon – DILG

Labag sa Omnibus Election Code ang pag-endorso ng opisyal ng barangay sa sinumang kandidato para sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño kasunod na hayagang pag-papakita ng suporta sa isang kandidato ng isang kapitan sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay Diño, labag sa batas at hindi sila karapat-dapat na mag-endorso.

Kailangan din nilang maging apolitical ngayong eleksyon.

Hiniling din nito sa mga opisyal ng barangay na huwag gumamit ng mga sasakyan na may mga nakasabit na larawan ng mga political candidates.

Batay sa mga patakaran, ang presidente, bise-presidente, senador, kongresista, alkalde at bise-mayor lamang ang tanging maaaring mag-endorso.

More in National News

Latest News

To Top