Connect with us

Mga karumal-dumal na karanasan sa loob ng rebeldeng kilusan, ibinahagi ng dating NPA

130 communist terrorists, nagbalik-loob sa gobyerno

National News

Mga karumal-dumal na karanasan sa loob ng rebeldeng kilusan, ibinahagi ng dating NPA

Malaya, malusog, nag-aaral para sa kinabukasan at nasa mabuting pamumuhay, ilan lamang ito sa mga ninanais ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Pero para sa mga menor-de-edad na nalinlang ng mga komunistang teroristang New People’s Army (NPA), ay ibang landas ang kanilang tinatahak.

Anong klaseng buhay nga ba ang kanilang nararanasan sa kabundukan?

Sa murang edad na 15 anyos, naging normal na para ka Dian ang marinig ang putok ng baril mula sa mga engkwentro sa militar sa kabundukan ng Northern Mindanao.

Kung ang ibang kabataan ay nag-aaral at malayang nagagawa ang kanilang gusto, si ka Dian ay naroon sa kabundukan — kasama ang mga NPA na madalas, kulang sa tulog, laging nagugutom at walang tigil na naglalakad sa kabundukan.

Ganito ang kanilang pamumuhay araw-araw sa rebeldeng kilusan – lahat sa paniniwalang tama ang ideolohiyang kanilang tinatanganan.

Pero makalipas ang ilang taon ng pakikibaka, napatunayan ni ka Dian na walang kabuluhan at hindi dapat nasasayang buhay ng kabataan na tulad niya sa armadong pakikibaka.

Isang gabi, nagulantang ang buong kampo ng NPA kung saan mahimbing na nagtutulog si ka Dian at kaniyang mga kasama

Ang pangyayaring ito pala ang magiging mitsa ng kaniyang pakikibaka sa ilalim ng rebeldeng kilusan.

Sugatan man si ka Dian sa gitna ng pambobomba sa kanilang paligid ng militar ay ginagampanan pa rin niya ang kaniyang katungkulan bilang medic sa NPA.

Sa kabila nito, mismong si ka Dian ay may tama rin sa kaniyang kaliwang paa.

Apat na araw na naghihintay ng tulong si ka Dian at ilan nitong kasama na sugatan din tulad niya, ngunit walang tulong mula sa kilusan ang dumating sa kanila.

Kaya nagdesisyon na si ka dian na siya na mismo ang maghanap ng paraan para mabuhay.

Inabot ng dalawang araw na paglalakad at sa loob ng mga araw na ito ay pagod, walang pahinga at walang makain at mainom na malinis na tubig si ka dian bago nito narating ang isang komunidad.

Dahil sa matinding tama ni ka Dian, minabuti ng isang nasa komunidad na kumbinsihin siyang sumuko sa sundalo upang malapatan ito ng paunang lunas.

Ang itinituring na kalaban ni ka Dian ang siya palang tutulong sa kaniya para mabuhay.

Payo naman ni ka Dian sa mga kasamahan niyang nasa kilusan pa ay huwag na silang magdalawang isip pa na sumuko sa mga militar, sapagkat pawang kasinungalingan lamang ang mga sinasabi ng mga NPA laban sa mga  ito.

More in National News

Latest News

To Top