National News
Mga kaso laban kay Pastor Apollo, bahagi ng ‘extraordinary rendition’ ng Amerika
Sa kanyang pinakabagong statement, nagtakda si Pastor Apollo C. Quiboloy ng mga kundisyon bago siya humarap sa mga recycled na kaso laban sa kaniya, partikular dito ang garantiya na hindi makikialam ang Estados Unidos sa mga kasong ito. Inihayag din ni Pastor Apollo na ang lahat ng ito ay pakana ng Amerika at ang kanilang plano na extraordinary rendition laban sa kanya.
“You want me to appear to face all of this? Here is my condition. Give me guarantee that the Americans will not interfere in this case in the Philippines. The FBI, the CIA, the U.S. Embassy, will not meddle. Give me guarantee that the Pres. of Ph, the DOJ Sec Boying Remulla, that should be written. Give me the guarantee of the PNP head, NBI head, and CIDG that there will be no American interference and no extraordinary rendition will occur. And I will appear and deal with all those cases. No matter where you bring them here in the Philippines,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito ang hamon ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang pinakabagong statement na inilabas nitong abril 6 sa gitna ng mga akusasyong ipinupukol laban sa kanya.
Ibinunyag ni Pastor Apollo na alam na niya ang plano ng Amerika laban sa kanya at ang pagpupursigi ng naturang bansa na magsagawa ng extraordinary rendition.
Ang extraordinary rendition ay ang palihim na paglilipat ng isang indibidwal na isasailalim sa matinding interogasyon, tortyur, o maging kamatayan. Wala itong due process.
At dahil sa banta na ito, ipinahayag ni oPastor Apoll na magpapakita lamang siya at haharapin ang lahat ng mga akusasyon sa kundisyong hindi makikialam ang Estados Unidos.
“Now, unless you give me a guarantee that the American authorities won’t interfere, FBI, CIA, or any of them. I will face the cases which are very simple, especially the ones in front of us are liars. The documents are in our hands, why wouldn’t I face them? I’m avoiding it because I know your playbook. The ending is extraordinary rendition. The American authorities will have me, I will become Claro M. Recto number 2, I will die in their hands – announce to the whole world, I died of a heart attack but I’m dead. That’s the endgame of this playbook and you can’t deny that,” dagdag pa ng butihing pastor.
Matatandaan na ang lahat ng mga kasong isinampa laban kay Pastor Apollo sa Estados Unidos ay kasalukuyang hinaharap na ng 22 abogado ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC), at mayroon aniya silang sapat na dokumento para mapasinungalingan ang mga akusasyon laban sa butihing pastor.
Ayon pa kay Pastor Apollo, matagal nang naghihintay ang legal team ng KOJC na gumulong ang kaso, dahil mahigit 3 taon na itong nakabinbin, dahil sa pagpapaliban dito ng kabilang kampo.
Ang nasabing hearing sa Amerika ay itinakda sa Nobyembre 5 ng taong ito.
“If I attend, the end game certainly is for me, to fall into the hands of the American authorities. It is still an extraordinary rendition. When that couldn’t do that, even though they had warrants of arrest because I didn’t attend their hearing because I protected myself because I knew all of this was just a trap to ultimately put me in the hands of the American authorities because our government and the American gov’t are indeed in cahoots. Our government is already under their control. So, these operatives are being used whether they know it or not,” pahayag pa ni Pastor Apollo.
Samantala, sa parehas na statement ay binanggit ni Pastor Apollo ang mga patibong na inilatag para sa extraordinary rendition kabilang dito ang mga imbestigasyon na isinagawa ng Kamara at Senado.
“When they say I have no Hold Departure Order? Then they said it would be bloody if they entered my compound. Those are also traps. What they mean is to leave, because it will be bloody. I will not leave, I will stand up against the illegal activities that they will do during the attack.”
“Unless you give me the guarantee I’m looking for, you won’t see me. Go ahead, manhunt me. I will stand up and not submit to your injustice. I will not submit to tyrannical rule. I will not submit to oppression and suppression of my rights,” Saad pa ni Pastor Apollo.