National News
Mga kaso ni Pastor Quiboloy, puwedeng piyansahan at ipawalang bisa – Sen. Tolentino
Sa gitna ng mga kasong kinakaharap ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ ay ipinanawagan si Senador Francis Tolentino na irespeto ang karapatan ng butihing pastor.
Kasabay niyan ay pinayuhan rin ni Senador Tolentino ang legal team ni Pastor Apollo.
Aniya, bailable ang mga kaso ni Pastor Apollo kung saan maaaring maghain ng piyansa sa korte.
Dagdag din ng senador puwede ring maghain ng ‘motion to quash’ ang kampo ng butihing pastor para ipawalang bisa ang arrest warrant, sabay paalala na may proseso sa batas na dapat na respetuhin nino man.
“I Have here the order in front of me. Even ‘yung court order, ‘yung issuance of warrant of arrest the warrant can be quashed. May procedure dito eh. So, pag kinwash ‘yung warrant mababalewala ‘yung warrant,” ayon kay Sen. Francis “Tol” Tolentino.
Payo naman ni Sen. Tol sakaling hindi maiserve ang warrant ng Kongreso at Senado ay antayin na lamang ang desisyon ng Korte Suprema.
Aniya, maaring igiit ng Senado ang Article 150 ng Revised Penal Code para mahikayat ang korte na maglabas ng arrest warrant, pero muli niyang iginiit na puwedeng mag-piyansa at maghain ng “motion to quash” ang kampo ni Pastor Quiboloy dito.
“Hayaan nating i-exercise niya ang kanyang karapatang legal at igalang natin kung ano ang hakbangin niyang gagawin,” dagdag pa nito.
