Connect with us

Mga kawani ng Pasay at Parañaque City Hall, maagang matatanggap ang sahod at 13th month pay

Mga kawani ng Pasay at Parañaque City Hall, maagang matatanggap ang sahod at 13th month pay

Metro News

Mga kawani ng Pasay at Parañaque City Hall, maagang matatanggap ang sahod at 13th month pay

Tiniyak ng Pasay City government na agad makukuha ng mga empleyado sa city hall ang kanilang sweldo sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kasama sa makakatanggap ng maagang sahod at 13th month pay ay ang mga regular, casual, job order, at consultants.

Inatasan na rin ni Rubiano si City Treasurer Noli Leycano na ilabas na ang pondo.

Kailangan lamang na magsumite ang mga kawani ng kanilang daily time records upang mapabilis ang pagbibigay ng sahod.

Paliwanag ng alkalde, maituturing na frontliners sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan ang city hall employees sa panahong nasa ilalim ang lungsod ng state of calamity.

Samantala, inanunsyo naman ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na lahat ng mga kawani ng city hall na permanent status, co-terminus, contractual, casual at job order ay makakatanggap na ng sahod pati na ang mid-year bonus at clothing allowance sa mga susunod na araw.

More in Metro News

Latest News

To Top