National News
Mga kumpanya ng langis, magpatutupad ng mas malaking rollback sa presyo ng petrolyo
Magandang balita muna tayo, magpapatupad ng mas malaking rollback sa presyo ng petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis.
Sa abiso ng kumpanya ng Petron, may bawas na P4.00/L ng kanilang gasolina at diesel habang 4.50/L ng kerosene.
Epektibo ang rollback bukas ng 6:00 ng umaga ng Martes, March 17.
Una nang nagpatupad ng rollback noong nakalipas na Biyernes, March 13 ang Phoenix Petroleum Philippines sa gasolina at diesel ng P3.00/L kada litro.
Gayunman, muling magpapatupad ng karagdagang bawas-presyo ang Phoenix Petroleum ng P1.25/L ng gasolina at diesel simula bukas ng 6:00 ng umaga.
Dahil dito, aabot nasa apat na P1.25 ang kabuuang rollback ng kumpanya.
Ito ang kauna-unahang super big time rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong 2020.
Inaasahang magpapatupad din ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis.