National News
Mga labi ng 2 binitay na Pinoy sa China, tinatrabaho na ng DFA na maipadala sa Pilipinas
Tinatrabaho na ang pagpapadala ng mga labi ng 2 Pinoy na binitay sa China.
Ayon ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Matatandaang sa unang pahayag, November 24, 2023 nangyari ang execution ng 2 ayon sa Philippine Consulate General sa Guangzhou, China.
Naaresto ang 2 noong 2013 matapos nahuling may dalang 11 kilos ng shabu na nakatago sa isang DVD player.
Nahatulan silang guilty noong taong 2016.
Kaugnay nito, ipinaalala ng DFA sa mga Pilipino na bibyahe abroad na maging maingat at tanggihan ang anumang package na hindi ang mga ito ang nagbalot o kaya’y hindi naidaan sa maiging inspeksyon.
![](https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/logo-radio-1.jpg)