Connect with us

Mga lalabag sa curfew, maaaring arestuhin kung papalag sa mga otoridad

DILG, makikiisa sa pagbibigay ng ayuda sa mamamayan

Metro News

Mga lalabag sa curfew, maaaring arestuhin kung papalag sa mga otoridad

Maaaring arestuhin ang sinumang lalabag at papalag sa pagsita ng mga otoridad sa ipinatutupad na curfew sa Metro Manila sa gitna ng community quarantine dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sisitahin ng mga otoridad ang sinumang makikita sa labas habang curfew at aabisuhan ang mga ito na umuwi na lamang kung hindi rin lamang mahalaga ang lakad nito.

Nilinaw ni Año na tanging ang mga taong may essential travel lamang ang papayagang lumabas sa loob ng curfew mula 8:00 PM hanggang 5:00 AM.

Una nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na hindi papayagan ng otoridad ang mga tao na lumabas para mag-strolling, malling o bumisita sa mga kamag-anak.

More in Metro News

Latest News

To Top