COVID-19 UPDATES
Mga lalabag sa mandatory face mask rule, hindi aarestuhin
Hindi muna aarestuhin sa ngayon ang mga lalabag sa mandatory face mask rule ayon sa pamunuan ng Joint Task Force Coronavirus Shield.
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, ang mga mahuhuling hindi nakasuot ng face mask sa mga pampublikong lugar ay kanilang sisitahin, papauwiin at hindi papadaanin sa mga quarantine control points (QCP).
Kahapon lamang ng inanunsyo ni Cabinet Secretary Carlo Nograles ang mandatory face mask rule kung saan kinakailangang naka-suot ng kahit na anong uri ng face mask ang kahit na sinong indibidwal na lalabas ng kanilang tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Dagdag pa ni Eleazar na maaaring magsagawa ang mga local government units ng ordinansa upang ma-aresto, at makapag-multa ang mga lalabag dito.