National News
Mga libro na ginagamit sa propaganda, isinuko ng dating miyembro ng communist terrorist
Sumuko ang isang dating miyembro ng communist terrorist group sa Aurora.
Kinilala ito ni PRO 3 Regional Director Police Brigadier General Val De Leon na si alyas Vincent/Bricks, dating Political Instructor ng Sentro De Grabidad (SDG) Central Aurora at Vice Commander ng SDG PANTACASTA (Pantabangan-Castaneda) ng Aurora PCOM.
Isinuko rin nito ang isang hand grenade at 11 libro na ginagamit para sa recruitment propaganda.
Makakatanggap ang dating rebelde ng benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip) ng gobyerno.
Nito lamang Martes, natunton ng Aurora Police Provincial Office ang iba’t ibang armas at supplies ng communist terrorist group sa Dipaculao, Aurora.
