Connect with us

Mga lider ng China at US, nakausap ni PBBM sa ASEAN Summit sa Indonesia

Mga lider ng China at US, nakausap ni PBBM sa ASEAN Summit sa Indonesia

National News

Mga lider ng China at US, nakausap ni PBBM sa ASEAN Summit sa Indonesia

Harapang nakausap ni Pangulong Bongbong Marcos sa 43rd ASEAN Summit ang mga lider ng US at China.

Ang 2 naglalakihang nasyon na nag may patuloy na alitan sa iba’t-ibang paksa sa international scene.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na iginiit ni Pangulong Marcos kay Premier Lee Qiang ang patuloy na kooperasyon ng Pilipinas sa China.

Ngunit, hindi anya titigil ang pamahalaan sa pagiit sa karapatan nito sa mga teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea batay sa international law.

Ang pagsusulong naman ng regional peace ang natalakay nina Pangulong Marcos at US Vice President Kamala Harris sa kanilang pull-aside meeting sa ASEAN-US Summit.

At mananatili ang commitment ng US na makipag-kalakalan sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Sa ASEAN-US Summit nitong Miyerkules, September 6, welcome development sa pangulo ng trilateral exercises sa pagitan ng US-Japan-Pilipinas.

Pati na ang joint statement ng mga bansa sa ilalim ng Spirit of Camp David.

Ito ang pinagkaisang security agenda ng US-Japan at South Korea para tugunan ang peace and prosperity issue sa rehiyon.

As we forge closer and deeper relationships in the coming years, we hope to continue working together towards a region that enjoys lasting peace, security, stability, and resilience,” ayon kay Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa ASEAN-China Summit, ito naman ang sinabi ni Presidente Marcos sa kapwa claimant countries sa South China Sea.

Kasama sa summit si Premier Lee.

“The Philippines therefore continues to uphold the primacy of the 1982 UN Convention on the Law of the Sea as the framework within which all activities in the seas and oceans are conducted. We once again reaffirm our commitment to the rule of law and peaceful settlement of disputes,” dagdag pa ng pangulo.

Bukod sa US at China, nagkaroon rin ng bilateral meeting si PBBM kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Personal namang inimbitahan ni Trudeau si Marcos na bumisita sa Canada sa 2024 bilang komemorasyon sa ika-75 taong diplomatic relations ng 2 bansa.

Dumalo naman sa gala dinner si Pangulong Marcos, Miyerkules ng gabi dito sa Jakarta kasama ang kapwa world leaders.

More in National News

Latest News

To Top