Connect with us

Mga lisensyadong baril na nakapangalan kay Pastor ACQ, nasa kamay na ng PNP

Mga lisensyadong baril na nakapangalan kay Pastor ACQ, nasa kamay na ng PNP

National News

Mga lisensyadong baril na nakapangalan kay Pastor ACQ, nasa kamay na ng PNP

Nag-comply na ang kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa utos ng Philippine National Police (PNP) na isuko ang mga lisensyadong baril nito sa mga otoridad.

Ayon sa legal counsel ng butihing pastor na si Atty. Israelito Torreon, nitong nakaraang linggo pa nai-turnover sa PNP ang mga ito.

Ani Torreon, paraan ito ng kampo na ipakita na walang private army ang butihing pastor at hindi ginagamit sa iligal ang mga lisensyadong baril.

“May mga certain sectors kasi of our society who are spreading false news that Pastor Apollo C. Quiboloy is armed and dangerous, that he has private armies? So na-decidan po i-surrender na lang maski wala ‘yan sa news ha na i-surrender kasi iyo ‘yan eh. I-surrender na lang ‘yung mga baril ni pastor,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

May 2, nitong nakaraang linggo ani Atty. Torreon, eksaktong nai-turnover ang mga baril sa PNP.

Nilinaw naman ng kampo na hindi 19 kundi 5 baril lang ang nai-turnover.

“After we received the copy of the resolution from General Marbil, na-surrender na po ‘yung 5. At saka hindi po 19 ha? 5 lang po ang nandun kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Ang iba po kasi, meron nang paperworks sa firearms unit ng PNP na either na-benta na ito or na-transfer na ito sa ibang tao. Hindi po 19, 5 lang po,” saad pa ni Atty. Torreon.

Kinumpirma naman ng PNP ang impormasyon at iginiit na turned-over na ang lahat ng licensed firearms ng butihing pastor.

Sa huli, umaasa naman ang kampo ni Pastor Apollo na hindi magkatotoo ang mga lumalabas na storya na posibleng i-deklarang terorista ang huli o di naman kaya ay mag-apply ng search warrant at halughugin ang mga property ng KOJC dahil wala nang isyu sa baril at mapayapang nai-turnover ang mga ito sa PNP.

“Ako naman ay objective tayo, sana hindi ‘yan parang laying the groundworks for the theory that he’s a terrorist or parang magiging basis na mag-apply sila ng search warrant. Kasi nga bakit 5 lang? Eh saan ‘yung 14? Oh, diba so mag-aaplay sila ng search warrant,” ani Torreon.

More in National News

Latest News

To Top