National News
Mga lumabag sa ECQ, halos 90,000 na – PNP
Ayon sa Philippine National Police (PNP) patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine dahil pa rin sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa 87,494 na ang kanilang naaresto sa nakalipas na 20 araw na pinairal ang ECQ.
Nabatid na 70% ng mga lumabag o 61,000 ang kinausap, binigyan ng babala at pinauwi na lamang.
Habang 22,790 ang isinalang sa inquest proceedings, 4,206 ang ikinulong at 4,184 ang pinagmulta.
Nagbabala naman si Eleazar na mga paulit-ulit na maaaresto ay posibleng sa kulungan na ang mga ito magpenitensya ngayong Semana Santa.