COVID-19 UPDATES
Mga lumabag sa enhanced community sa Barangay Tatalon QC, hinuli
Nasampolan ang mga residente ng Brgy. Tatalon sa Quezon City matapos ang ginawang operasyon ng pulisya laban sa mga lumalabag sa enhanced community quarantine sa Luzon para maagapan ang pagkalat ng COVID- 19.
Mahigit sa 50 residente ang nahuli ng mga taga QCPD na naaktuhang nasa labas ng kani-kanilang pamamahay habang nagroronda ang mga pulis.
Ang iba naman, naaktuhan na gumagamit ng issued quarantine pass ng barangay na iba ang nakapangalan.
Batay sa regulasyon ng barangay, isang Quarantine Pass kada pamilya ang ibinibigay at ang dapat lamang gumamit nito ay iyong nakapangalan sa ID.
“Pero lagi nating sinasabi 24/7 to meron tayong curfew so 24/7 po bawal po na lumabas ng tahanan, unless otherwise meron tayong quarantine pass para po mamalengke or yung mga nagtatrabaho, so yun po lamang ang ina-allowed na lumabas ng bahay.” ayon kay Police Capt. Randy LlanderalSpokesman, Galas Station 11
Ayon sa barangay, problema nila ang katigasan ng ulo ng mga residente kaya dapat- araw araw ay manghuli.
Panawagan ng barangay sa mga residente, matutong magsakripisyo at sumunod sa mga panuntunan ng pamahalaan dahil sa umiiral na health crisis.
Samantala, tutuluyan ng barangay ang mga nahuli ngayong araw.
Posible silang maharap sa disobedience to authority na may kaugnayan sa RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na may parusang pagkakabilanggo na hindi bababa sa 1-6 buwan at multa na hindi na hindi tataas sa P100,000
