National News
Mga magsasaka, ayaw paangkatin ng bigas ang NFA
Hindi na kailangan pang bigyan ng karagdagang kapangyarihan ang National Food Authority (NFA) ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
Komento ito ng grupo kasabay ang hindi pagsang-ayon sa panukala na pahintulutan ang NFA na makapag-angkat ng bigas.
Sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So, suportado niya ang pag-amyenda ng Rice Tariffication Law (RTL) subalit ang pagbabago na gagawin ay ang pagdagdag lang ng funding para sa rice competitiveness enhancement fund.
Mula sa kasalukuyang P10-B ay gagawin na sana itong P30-B.
Kung matatandaan, iminungkahi ni Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto na amyendahan ang RTL para mabigyang kapangyarihan ang NFA na makapagbenta o makabili ng bigas para sa emergency purposes.
