Connect with us

Mga mahihirap na customer ng Maynilad, maaari nang mag-apply para sa diskwentong ipagkaloob

Mga mahihirap na customer ng Maynilad, maaari nang mag-apply para sa diskwentong ipagkaloob

Metro News

Mga mahihirap na customer ng Maynilad, maaari nang mag-apply para sa diskwentong ipagkaloob

Malapit nang makinabang sa mas malaking diskwento sa bill ng tubig ang mga low-income at low-consuming residential customers ng water concessionaire na Maynilad Water Services Incorporated.

Ito ay sa ilalim ng Enhanced Lifeline Program (ELP) ng kumpanya na ipatutupad simula sa Enero 1, 2024.

Ang naturang programa ng Maynilad ay tugon sa panawagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS-RO) na palawigin ang diskwentong ibinibigay nito hindi lamang sa kanilang regular customers.

Kaya naman, simula sa araw ng Lunes, November 13, ay maaari nang makapag-apply ang mahihirap na customers pati na rin ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na itinakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inaasahan ng Maynilad na aabot sa halos 60-K mahihirap na customer nito ang makakapag-rehistro para sa nasabing programa.

Magbibigay ito ng 41% na diskwento sa kanilang water bill na kumukunsumo ng 10 cubic meter pababa kada buwan.

Kabilang din sa makikinabang ang mga nasa marginalized sector o mga nasa laylayan sa oras na naaprubahan ang kanilang aplikasyon.

Kinakailangan lamang ihanda ng 4Ps beneficiary ang mga dokumento na kakailanganin sa pag-apply.

Kabilang dito ang duly accomplished Lifeline Rate Application Form, photocopy ng 4Ps ID, recent water bill ng account na ina-apply maliban na lamang sa mga bagong water service connection (NWSC) applicant.

Para sa qualified applicants ngunit hindi nakapangalan sa kanila ang account kinakailangan lamang nito magpresenta ng kahit anong valid identification card.

Sakali namang hindi makakapunta ang may-ari ng account ay kailangan maghanda ng authorization letter at valid ID ng kinatawan nito.

Authorization letter na nakasaad ang pangalan at signature ng account holder at representative, Contract Account Number o CAN, at address ng account.

Kinakailangan ding magdala ng representative ng kanyang government-issued ID at photocopy ng government-issued ID ng account owner/applicant.

Hinihikayat naman ng Maynilad ang kwalipikadong benepisyaryo ng ELP na magrehistro na upang mapakinabangan ang diskwento sa susunod na taon.

“There are many poor households within our concession area that can benefit from availing of the Low-Income Lifeline Rate, so we encourage all qualified customers to apply to the program,” ayon kay Maynilad, Customer Experience & Head, Retail Operations, Christopher J. Lichauco.

More in Metro News

Latest News

To Top