National News
Mga makakaliwang kongresista, gustong ipatanggal sa social media ang SMNI
Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, ay makailang beses na iginiit ng mga makakaliwang kongresista na dapat na ring i-ban sa lahat ng social media platforms ang mga programa ng SMNI.
Ito’y kahit napatawan ng indefinite suspension ang network sa free radio and TV dahil sa pagpabor ng National Telecommunications Commission (NTC) sa panawagan ng Kamara laban sa himpilan.
Sagot dito ng NTC at MTRCB.
“So, if that’s the case, your honor, should the MTRCB decide to endorse that suspension order to the NTC for suspension on other platforms, perhaps the NTC can consider that Mr. Chair,” ayon kay NTC, Deputy Commissioner Alvin Blanco.
“If the MTRCB decided to suspend or cancel the program in all kinds of media platforms, and said the decision is final and executory, we can endorse it to the NTC,” ayon naman kay MTRCB, Atty. Anna Mindalano.
Pero, aminado ang NTC na hindi saklaw ng kanilang regulatory powers sa franchise ang social media platforms.
Ang MTRCB naman ay kasalukuyang ina-amyendahan ang kanilang charter para isali ang on-demand social media platforms sa regulatory functions.
Pero, kailangan ng batas para amyendahan ang MTRCB Charter.
Ang programang Laban Kasama ang Bayan ang numero uno sa pino-protesta ng mga makakaliwa.
Ang natatanging programa sa balat ng Philippine Television laban sa komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.
Nauna nang pinangalanan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sina ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel bilang legal fronts ng CPP-NPA-NDF.
Sila ang napupuna ng anti-insurgency program ng SMNI.
Sinita naman ng mga abogado ng SMNI ang tinawag nilang pambubusal sa himpilian dahil pati social media platforms nito ay gustong i-ban.
“Lahat ng attempts dito para busalan ang SMNI, lahat dito ine-explore, tinanggalan na nga, binusalan na nga dahil sa order ng NTC na pagbubusal ng indefinite period ang SMNI, tapos syempre hindi kasama doon ‘yung online platforms, hinahabol pa doon ha. So, hindi ko alam, ang katanungan ko, sino ba ang takot sa SMNI?” saad ni SMNI, Legal Counsel, Atty. Rolex Suplico.
“Ang Congress, ang investigation dito is only in aid of legislation, hindi sila Piskal, hindi sila korte, hindi sila trial to get other evidence kung hindi, mag-imbestiga lang sila, based on the kung gagawa sila ng batas, but granting na gagawa sila ng batas, kailangan ‘yung batas na ‘yan, hindi ma-violate ‘yung due process clause,” saad naman ni SMNI, Legal Counsel, Atty. Mark Tolentino.
