Connect with us

Mga makikiisa sana sa Bulacan Maisug Rally, dismayado matapos itong makansela

Mga makikiisa sana sa Bulacan Maisug Rally, dismayado matapos itong makansela

National News

Mga makikiisa sana sa Bulacan Maisug Rally, dismayado matapos itong makansela

Galit at dismayado ngayon ang ilan sa ating mga kababayan matapos na hindi matuloy ang inaasahang Maisug Peace Rally sa Bustos, Bulacan.

Ang ilan kasi sa kanila bumyahe pa ng malayo makasali lang sa naturang peace rally.

Si Karidad Raza na taga-Marinduque tinawid pa ang dagat makapunta lang sa Bulacan.

Ayon kay Karidad, matagal na niyang gustong puntahan ang naturang rally upang samahan ang ating mga kababayan na ipagsigawan ang kanilang mga hinaing sa kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa nito na marami siyang nakita na ginawa ng kasalukuyang administrasyon na hindi niya nagustuhan at isa na nga rito ay ang pagpapasara sa SMNI.

Para naman kay nanay Jenifer na mula sa Quezon City hindi maganda ang sitwasyon ngayon ng ating bansa.

Ayon pa nito, sayang lang aniya ang nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil hndi tinupad ni Pangulong Bongbong Marcos ang pangako nito noong itoy nangangampanya pa lang.

Kaya ganun nalang ang sama ng kanyang loob kung bakit hindi natuloy ang Maisug Rally.

Linggo ng umaga, Abril 28, nang iharang ng mga pulis ang mga upuan at motorsiklo sa bahagi ng rotonda sa Bustos Bulacan.

Ipinangharang din ng mga ayaw sa rally ang isang 10-wheeler truck sa venue upang hindi makapag set-up ng stage.

Ayon sa mga nakausap ng SMNI News, tila nasa ilalim na ng Martial Law ang Pilipinas dahil sa mga nangyayari sa ating bansa.

Sa huli, hindi man natuloy ang Maisug Peace Rally sa Bulacan ay aantabay pa rin ang mga Pilipino sa susunod na pagsasagawa nito.

More in National News

Latest News

To Top