Connect with us

Mga may karamdaman, pinayuhang ‘wag nang dumalo sa inagurasyon ni PBBM

Nakikiusap ang PNP sa mga supporters ni President elect Bongbong Marcos Jr. na maging mahinahon at huwag pilitin ang sarili na dumalo

National News

Mga may karamdaman, pinayuhang ‘wag nang dumalo sa inagurasyon ni PBBM

Nakikiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mga supporters ni President elect Bongbong Marcos Jr. na maging mahinahon at huwag pilitin ang sarili na dumalo kung may dinaramdaman sa kalusugan.

Hakbang ito para maiwasan na maging dahilan ito ng gulo sa mismong araw ng inagurasyon.

Ayon kay PNP director for operations PMGen Valeriano de Leon, ang sinumang may iniindang sakit ay marapat na huwag nang tumuloy sa venue upang hindi pa ito lumala.

Maaari naman aniyang panoorin ang inagurasyon ni PBBM sa iba’t ibang TV networks at social media kahit nasa bahay lang.

Sa kabila nito, nakahanda din naman ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na umalalay sa mga magsisipagdalo sa okasyon upang mapigilan ang anumang kaswalidad.

Bukod sa PNP help desk, may mga nakatalag ring medical teams sa palibot ng venue upang agad na malapatan ng gamot ang  mga pasyente.

Sa kabuuan ani de Leon, all system go na ang nalalapit na inagurasyon para sa susunod na pinuno ng bansa bukas, June 30.

Kasabay nito ang pakiusap sa publiko lalo na sa lungsod ng Maynila na unawain ang bahagyang abala sa trapiko at iba pa.

Samantala, muling nilinaw ng PNP na ang inagurasyon ay bukas para sa lahat mula sa anti gov’t groups at maging sa mga supporters ng pamahalaan.

Ang mahalaga anila ay masunod kung ano ang nakasaad sa batas at mga polisiya para sa maayos na seremonya para sa susunod na pangulo ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top