Connect with us

Mga mobile ATM ng Landbank of the Philippines, ipakakalat sa mga lugar na biktima ng kalamidad

Mga mobile ATM ng Landbank of the Philippines, ipakakalat sa mga lugar na biktima ng kalamidad

National News

Mga mobile ATM ng Landbank of the Philippines, ipakakalat sa mga lugar na biktima ng kalamidad

Inihayag ng pamunuan ng Landbank of the Philippines na nakita nila ang problema ng karamihan, lalo na sa mga liblib na mga lugar, na hirap sa pag-access sa withdrawals at bank transfers.

Ito ay lalo na sa mga lugar na karaniwang nakararanas ng iba’t ibang kalamida.

Gaya nalang ng nagdaang lindol na tumama sa probinsiya ng Abra.

May be an image of outdoors

Tiniyak naman ng Landbank ang seguridad ng kanilang mga machine lalo na sa mga benepisyaryo nito sa oras na maipadala na ang mga ito sa mga piling lugar.

Idedeploy ang 6 na mobile atms sa Landbank branches sa Luzon, 2 sa Metro Manila at tig-isa naman sa Visayas at Mindanao.

Samantala, personal naman na nagpasalamat si Manila City Mayor Maria Shiela ” Honey ” Lacuna sa inisyatibang ito ng ng Landbank.

Dahil aniya sa programa maraming residente ang magkakarooon ng tiyak na access sa banking at mga kahalintulad na serbisyo kahit sa mga pinakamalalayong lugar sa bansa.

Sa katunayan, isa ang kanilang lungsod sa nakatakdang tumanggap ng P10 bilyon loan para sa pagpapalakas sa larangan ng kalusugan sa lungsod.

Matatandaang, isa sa mga nakabinbing proyekto ngayon ng lungsod ang pagpapatayo ng ospital ng maynila para sa mga residente nito.

Bukod sa modernong pagamutan, nakahanda ring pondohan ng Landbank ang programa ng lungsod para sa pagbibibgay ng libreng lupa sa libu-libong residente nito na walang lupa at tiyak na mapagtatayuan ng kanilang hanapbuhay o pagkakakitaan.

 

 

More in National News

Latest News

To Top