Connect with us

Mga nagbebenta ng mga medical supplies na pag-aari ng DOH, binalaan

Mga nagbebenta ng mga medical supplies na pag-aari ng DOH, binalaan

COVID-19 UPDATES

Mga nagbebenta ng mga medical supplies na pag-aari ng DOH, binalaan

Mariing binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko, partikular ang ilang tiwaling negosyante na iligal o labag sa batas ang pagbebenta ng anumang bagay na government property.

Kasabay nito ay itinanggi ng DOH ang kumalat sa social media na may kahon-kahong mga face mask at iba pang mga medical supplies ang ibinebenta ng DOH na may tatak pa na “Property of DOH”.

Tiniyak at nilinaw pa ng DOH na hindi sila nagbebenta ng anumang uri ng medical supplies tulad ng face mask.

Babala ng DOH sa publiko na iligal ang pagbebenta ng anumang uri ng kagamitan na pag-aari ng gobyerno at may katapat itong kaparusahan sa ilalim ng Saligang Batas.

Kaugnay nito ay nanawagan ang kagawaran na i-report sa otoridad ang ganitong uri ng gawain at huwag tangkilikin ang mga ibinebentang gamit na may tatak na government property.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top