Connect with us

Mga nagbigay ng seguridad sa inagurasyon ni PBBM, pinasalamatan ng PNP

Pinasalamatan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng nagbantay para sa seguridad ng inagurasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

National News

Mga nagbigay ng seguridad sa inagurasyon ni PBBM, pinasalamatan ng PNP

Pinasalamatan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng nagbantay para sa seguridad ng inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang na dito ang mga pulis, sundalo, mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health at iba pang force multipliers mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Itinuturing ng PNP na mapayapa, maayos, at matagumpay ang inagurasyon ni Pangulong Marcos, kung saan wala silang naitalang untoward incident.

Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, hindi nila ito magagawa kung wala ang pagsusumikap at sakripisyo ng bawat isa mula sa pagpaplano hanggang sa last-minute implementation ng security measures.

Nagpaabot din ng pasasalamat si de Leon sa mga lider, organizer, at miyembro ng iba’t ibang grupo na mapayapang isinagawa ang kanilang kilos-protesta.

More in National News

Latest News

To Top