National News
Mga naka-mask na police sa Davao City, kinuwestyon sa Senado
Tila new normal na sa mga police sa Davao City ang pagsusuot ng face mask o mga takip sa kanilang mukha.
Lalo na tuwing magsasagawa ng pagpapatrolya o kahit checkpoint operations sa labas ng religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.
Bukod sa face mask, kapuna-puna rin na walang nameplate ang mga pulis at sadya ring ikinubli ang plaka ng kanilang mga sasakyan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, mismong ang chairman na si Senator Ronald dela Rosa ay pinuna ito. “They are not doing illegal, but they are just doing… to tell you frankly improperly. Yung ginagawa nila, bakit mag-checkpoint ka (pero) palaging naka-mask? Tapos ‘di makita yung pangalan? ‘Yun lang ang sa akin. We must be friendly. Hansel (Marantan)? We must be friendly to the people.”
Pilit naman itong dinepensahan ni Davao City Police Office (DCPO) Acting City Director PCol. Hansel Marantan at sinabing exposed aniya sa polusyon ang mga pulis kung kaya’t naka-mask subalit hindi ito nakalusot kay Senator dela Rosa.
“Don’t tell me that. You don’t tell me that reason. Alikabok? And dahil (sa) alikabok naka-mask kayo? Lahat naka-mask palagi, 24/7? Pag nag-checkpoint that’s very… hindi ko matanggap yung rason mo na yan,” sita ng senador.
Matatandaang matagal rin na nagsilbi bilang pulis si Sen. dela Rosa dahilan para alam nito ang tamang operasyon ng mga pulis. “Nag-checkpoint din ako. ‘Yung dinaan niyo ngayon, dinaanan ko rin yan. I’m just wondering bakit lahat ng pulis ay naka-mask which is very intimidating.”
Nilinaw ni dela Rosa na hindi nito pinipigilan ang trabaho ng mga pulis, partikular na ang operasyon sa KOJC ngunit para sa dati na ring hepe ng PNP, hindi nakatutulong ang ginagawa ng mga ito sa mga residente ng Davao City.
Si Benhur Abalos naman, ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bagama’t siya ang isa sa mga pinaniniwalaang nagmamando sa ginagawang panggigipit ng PNP sa KOJC, nangako syang aaksyunan daw niya ang reklamong ito laban sa mga abusadong pulis.
“Mr. Chair I will assure you mamayang hapon po, I will talk with the chief and make sure bukas na bukas, lahat po, walang mask po ‘yan…and to make sure the protocols like the name, properly mailagay po. I assure you that, Mr. Chair.” ani Abalos.