COVID-19 UPDATES
Mga namumulitikang opisyal sa pagbibigay ng financial subsidy, ipakukulong – DILG
Makukulong ang local officials na hinahaluan ng pulitika ang pagbibigay ng financial subsidy sa mga benepisyaryo nito ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa Laging Handa Press Briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa publiko na kung may mga ebidensyang makakalap sa pamumulitika ng local officials, maaaring ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na opisina ng DILG sa kanilang lugar.
“Ipaalam niyo lang po sa amin, o kaya naman sa aming regional, provincial o municipal offices para makalap po namin ang mga ebidensya, para po makapagsampa po kami ng kaso.”
Ito ay matapos maiulat na may mga palakasan umanong nagaganap sa mga local officials sa pagbibigay ng financial subsidy ng mga residente nito.
“Ayon po sa Bayanihan Act, pwede pong makulong ng hanggang 2 buwan o mapag-multa ng hanggang P1-M ang sinumang mga local government officials na mag-violate dito sa Bayanihan Act.”
Matatandaang, ang mga informal sectors ang pinakapangunahing benepisyaryo ng financial subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program.