Connect with us

Mga nasalanta ng bagyong Odette sa Consolacion, Cebu, taos-pusong nagpasalamat kay Pastor Apollo

Mga nasalanta ng bagyong Odette sa Consolacion, Cebu, taos-pusong nagpasalamat kay Pastor Apollo

National News

Mga nasalanta ng bagyong Odette sa Consolacion, Cebu, taos-pusong nagpasalamat kay Pastor Apollo

Abot langit ang pasasalamat ng mga tumanggap ng ayuda mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy, chairman ng SMNI at Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na lubos na naapektuhan ng bagyong Odette.

Si Pastor Apollo ay kilalang philantrophist sa bansa na laging tumutulong sa mga nasusunugan, nababahaan at pati na rin ang biktima ng karumaldumal na krimen ng CPP-NPA-NDF.

Isinagawa naman ang ikalawang araw na massive relief operation ng butihing pastor katuwang ang SMNI Foundation sa Brgy. Togbongan, Consolacion, Cebu.

Puno at siksik ang balde ng relief na naglalaman ng limang kilo ng bigas, de lata, kape, asukal, gatas, noodles at condiments.

May be an image of 4 people, people standing and outdoors

At maliban pa diyan isang galon ng maiinom na tubig ang tinanggap ng bawat pamilya.

Nakatakda naman ngayong araw ang massive relief operation sa Leyte at Dec. 30 sa Bohol.  

More in National News

Latest News

To Top