Connect with us

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 12

Pilipinas, pumangalawa sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming COVID-19 cases

COVID-19 UPDATES

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 12

Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Plipinas.

Sa tala ng Department of Health (DOH), 4 katao na nagpositibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay kahapon, araw ng linggo (March 15).

Kabilang dito si patient 9 na 86 na taong gulang na lalaki na American national na taga-Marikina na may travel history sa USA at Korea.

Pang-10 na nasawi si patient 54 na 40 taong gulang na lalaki, Filipino mula sa Pasig City na wala namang travel history sa ibang bansa; pang-11 ay si patient 39 na 64 na taong gulang na lalaki na taga-Negros Oriental na may travel history sa Greenhills.

At pang-12 ay si patient number 12 na 56 na taong gulang na lalaki na na-confined sa Makati Medical Center na pumanaw kagabi.

Sa ngayon ay pumalo na sa 140 ang kaso ng COVID-19 sa bansa at 2 dito ang gumaling na.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top