Connect with us

Mga natagpuang floating cocaine sa ilang baybayin ng bansa, hindi para sa Pilipinas-Albayalde

National News

Mga natagpuang floating cocaine sa ilang baybayin ng bansa, hindi para sa Pilipinas-Albayalde

Hindi umano para sa Pilipinas ang mga floating cocaine na narekober sa mga karagatan ng bansa.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, galing sa isang lumubog na barko ang mga floating cocaine na dadalhin sa Australia.

Sinabi ni Albayalde na nakikipag-ugnayan na ang PNP sa kanilang counterpart sa Australia para matukoy ang “signature” ng cocaine.

Isasailalim umano ito sa DNA laboratory analysis at ikukumpara ito sa mga cocaine na ginagamit ng mga lulong sa droga sa bansang Australia.

Sa tala ng PNP, nasa 200 na bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng 871.654 milyong piso ang narekober sa mga karagatan ng Siargao at Dinagat Islands sa Caraga Region, Davao Oriental, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur simula noong Pebrero a-10.

 

DZARNews

More in National News

Latest News

To Top