Connect with us

Mga natatanging empleyado at supervisor ng DND, pinarangalan sa kanilang ika-83 anibersaryo

Mga natatanging empleyado at supervisor ng DND, pinarangalan sa kanilang ika-83 anibersaryo

National News

Mga natatanging empleyado at supervisor ng DND, pinarangalan sa kanilang ika-83 anibersaryo

Kinilala ng Department of National Defense (DND) ang kanilang mga natatanging empleyado at supervisor ngayong araw, ika-14 ng Nobyembre.

Ito ay kasabay ng kanilang na may temang “DND @ 83: Matatag na Sandigan ng Sambayanan para sa Kapayapaan at Kaunlaran” na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kabilang sa pinarangalan ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. ang mga empleyado at supervisor mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Veterans Affairs Office, Office of Civil Defense, National Defense College of the Philippines, Government Arsenal, at Veterans Memorial Medical Center.

Pinasalamatan ni Faustino ang lahat ng kanilang tauhan sa pagtupad sa mandato ng DND na protektahan ang bansa laban sa internal at external security threats.

Iprinisenta rin ni Faustino ang Strategic Defense Review (SDR) document, kung saan nakapaloob ang tagumpay ng nagdaang administrasyon at ang kasalukuyang prayoridad ng liderato ng DND sa pamamagitan ng kauna-unahang National Defense Strategy (NDS) 2018-2022.

More in National News

Latest News

To Top