Connect with us

Mga NGO, nanawagan sa ICC na pauwiin si FPRRD sa Pilipinas

Mga NGO, nanawagan sa ICC na pauwiin si FPRRD sa Pilipinas

National News

Mga NGO, nanawagan sa ICC na pauwiin si FPRRD sa Pilipinas

Patuloy na umiigting ang sigaw ng taumbayan laban sa umano’y iligal na pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Bilang tugon, iba’t ibang Non-Government Organizations (NGOs) ang magsasagawa ng isang malawakang signature campaign upang ipanawagan ang kanyang agarang pagpapauwi sa Pilipinas.

Pangungunahan nina dating Senador Gringo Honasan at Congressman Dante Marcoleta, ang kampanyang ito ay naglalayong ipakita sa buong mundo ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa laban para sa hustisya.

Bukod sa lagdaan sa kalsada at iba pang pampublikong lugar, maaari ring lumagda online upang mas maraming Pilipino, kabilang ang mga nasa ibang bansa, ang makiisa.

Sa harap ng malawakang kilos-protesta at lumalakas na panawagan, iginiit ng mga tagasuporta na ang pagbabalik ni Duterte sa bansa ang tanging paraan upang mapawi ang galit ng bayan at matiyak na walang Pilipinong matatapakan ng banyagang hukuman.

More in National News

Latest News

To Top