National News
Mga opisyal mula sa PA at WestMinCom, binisita ang sugatan at mga nasawing sundalo sa 18th IB
Binisita ng mga opisyal mula sa Philippine Army (PA) at Western Mindanao Command (WestMinCom) ang sugatan at mga nasawing sundalo ng 18th Infantry Battalion (18IB) araw ng Linggo.
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Sgt. Reymark Bation at Cpl. Jordan Daquipel na kapwa naging biktima ng marahas na pananambang ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Dugaa, Tuburan, Basilan, nitong Abril 11.
Binigyan naman ni LtGen Galido ng parangal si Cpl. Richivie Flores ng Wounded Personnel Medal bilang tanda ng pagkilala sa kanyang katapangan at kabayanihan sa pagganap ng kanyang tungkulin.
Pinangako ng 2 heneral mula sa Philippine Army at WestMinCom na ang tulong at suporta ay maibibigay sa mga pamilyang naulila.
Samantala, puspusan naman ang ginagawang imbestigasyon ng WestMinCom at pakikipag-ugnayan sa ibang otoridad upang makilala at mapanagot ang mga nasa likod ng pananambang.
