Connect with us

Mga organizer ng Maisug Peace Rally sa Bulacan, nakaranas ng panggigipit at pananakot

Mga organizer ng Maisug Peace Rally sa Bulacan, nakaranas ng panggigipit at pananakot

National News

Mga organizer ng Maisug Peace Rally sa Bulacan, nakaranas ng panggigipit at pananakot

January 25, 2024, unang isinagawa ang Maisug Prayer Rally sa Davao City, dito nagbitaw ng mga maaanghang na salita ang mga Duterte laban sa administrasyon ni Marcos Jr.

Sa nasabing rally nakita ng mga Pilipino na mayroon pa silang masasandalan at boses sa panahon na tila bulag, pipi at bingi ang kasalukuyang administrasyon sa mga problema ng bansa.

Matapos nito ay sunod-sunod na ang ginawang Maisug rally na dinaluhan ng libu-libong Pilipino, Feb. 25, sa Cebu at ang pinaka huli nito ay sa Tagum, Davao del Norte.

Pero hindi kagaya ng mga naunang rally naging mahirap para sa mga taga-Davao del Norte na isagawa ang rally dahil bago pa man magsimula, pinatawan na ng suspensyon ang gobernador dahil sa pagpayag nito na magkaroon ng rally sa lugar.

Ngayong April 28, 2024, araw ng Linggo muli na namang aarangkada ang Maisug Peace Rally, ngunit sa pagkakataong ito gaganapin ang rally sa Bustos, Bulacan.

Ito ang kinumpirma ng Transparency, Accountability, Peace & Security (TAPS) Coalition, ang nasabing grupo ay binubuo ng iba’t ibang sektor gaya ng mga magsasaka at mangingisda, grupo ng mga tsuper, religious groups at Muslim sector.

Ayon kay Verdel Delos Santos, chairman ng Bulacan Defend the Flag Kilusang Pagbabago na pinahirapan sila na makakuha ng permit para idaos ang Maisug rally.

Dahil mahirap makakuha ng permit sa mga LGU lumapit sila sa private sector.

Ang problema maging ang private sector na kanilang nilalapitan ay tinatakot, huwag lang ituloy ang Maisug rally.

Sa ngayon ay maayos na ang lahat at kasado na ang Maisug Peace Rally sa Bulacan dahil mayroong galing sa private sektor na nagpahiram sa kanila ng venue.

Sa kabila nito, hindi natatakot ang mga taga-Bulacan sa mga ginagawang panggigipit ng mga nasa kapangyarihan.

Sa April 28, araw ng Linggo gaganapin ang Maisug Prayer Rally, paalala nila sa mga dadalo, huwag magdala ng mga matutulis o mga ipinagbabawal na bagay upang hindi magtagal sa mga checkpoints.

More in National News

Latest News

To Top