International News
Mga paaralan at unibersidad sa Italy, pansamantalang ipinasara dahil sa banta ng COVID-19
Pansamantalang kinansela ang mga klase sa lahat ng paaralan at unibersidad sa Italy dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nasawi dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kinumpirma ng Italian Government ang pagpapasara sa lahat ng eskwelahan sa kanilang bansa hanggang sa Marso a-15.
Ayon kay Prime Minister Giuseppe Conte, layon ng hakbang na mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.
Sa ngayon ay mahigit 3,000 na ang kumpirmadong COVID-19 cases sa nasabing bansa.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa 107 ang nasawi dahil sa naturang virus sa buong Europa kung saan 28 ang naitala sa Italy.