National News
Mga paaralan na kasama sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa Nobyembre 15, bumaba sa 30
Nabawasan ang inisyal na paaralan na kasama at pinayagang magsagawa ng face-to-face classes sa Nobyembre 15.
Sa press briefing, sinabi ni Department Of Education Assistant Secretary Malcolm Garma na mula sa 59 paaralan na unang inanunsyo, nasa 30 na lamang ang tutuloy sa pilot run.
Ayon kay Garma, kabilang sa dahilan ng pagbaba ng inisyal na bilang ng school participants ay dahil sa problema sa consent ng LGU’s at mga magulang at pagataas ng COVID-19 cases sa school areas.
Nasa 46 paaralan naman aniya ang umaapela na makasama sa pilot implementation kabilang ang mga paaralan mula sa Region 5,6,7,10 at 12.
Sinabi ni Garma na plano nilang kumpletuhin ang 120 schools na una nang binanggit para sa pagsisimula ng limited in-person classes.
Una nang sinabi ng DepEd na 120 paaralan ang lalahok sa pilot implementation na kinabibilangan ng 100 na pampublikong paaralan at 20 na pribadong paaralan.
