Connect with us

Mga pagkukulang, hindi dahil sa kapabayaan kundi sa limitadong panahon – Pang. Duterte

Mga pagkukulang, hindi dahil sa kapabayaan kundi sa limitadong panahon - Pang. Duterte

National News

Mga pagkukulang, hindi dahil sa kapabayaan kundi sa limitadong panahon – Pang. Duterte

Inihayag ni Pang. Rodrigo Duterte na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa Pilipinas sa loob ng 6 na taong pamamahala.

Ito ang sinabi ng pangulo sa kasagsagan ng inauguration ng bagong head office sa Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig.

Ani Pang. Duterte, ginawa niya ang lahat at kung kulang pa ito ay humihingi siya ng pasensya.

Dagdag pa ni Pang. Duterte, kulang ang 6 na taon para tapusin ang lahat ng programa at proyekto.

Nagpapasalamat naman si Pang. Duterte sa lahat ng mga suporta sa kanyang pagka-pangulo kabilang na ang mga television network.

Aniya, isang malaking karangalan na maging pangulo ng republika ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top