National News
Mga pahayag ni Remulla vs. FPRRD arrest, ‘di nagtutugma
Mistulang hindi tugma ang mga pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla hinggil sa pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa interview niya sa isang broadcasting media nitong March 13, 2025, sinabi niyang ‘group effort’ ang ginawa para maaresto si FPRRD noong March 11.
Andoon aniya siya, si Department of National Defense Sec. Gibo Teodoro, National Security Adviser Eduardo Año, at mismong si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Si Teodoro pa aniya ay nagtatrabaho sa opisina nito sa Camp Aguinaldo habang si Sec. Año ay nililikom ang mga impormasyon mula sa kanyang intelligence.
Ngunit sa naging Senate hearing nitong March 20, sinabi niyang wala siyang sinabing mastermind.
Wala rin aniya silang ginawang planning at tanging pinag-usapan lang nila ay ang isang bulung-bulungan.
