Regional
Mga pangunahing dam na pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila, nabawasan pa
Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrological Division, bumaba pa sa 200.72 meters ang water level sa angat kaninang 6:00 am.
Nabawasan ito ng 0.23 meter mula sa 200.95 meters na water level kahapon ng umaga, Marso 10.
Maliban sa Angat, bumaba rin sa 77.00 meters mula sa 77.04 meters ang water level sa La Mesa dam habang tumaas naman sa 100.16 meters ang lebel ng tubig sa Ipo dam.
Bumaba rin ang water level sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya habang bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Binga dam.