Connect with us

Mga pasahero sa PITX para sa 2025 Midterm Elections, umabot na sa mahigit 500K

Mga pasahero sa PITX para sa 2025 Midterm Elections, umabot na sa mahigit 500K

National News

Mga pasahero sa PITX para sa 2025 Midterm Elections, umabot na sa mahigit 500K

Simula noong Lunes – Miyerkules, May 5 – 7, umabot na sa mahigit kalahating milyong pasahero ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para umuwi sa kani-kanilang probinsya at bumoto para sa 2025 National and Local Elections.

Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahang aabot sa 1.2-M pasahero ang gagamit ng terminal mula May 5 – 13.

Nakapagtala na rin ang PITX ng 65 kontrabando sa loob ng terminal kabilang dito ang mga gunting, matutulis na bagay, at nasusunog na kemikal tulad ng butane gas, na bawal sa pampublikong transportasyon.

Naglabas na rin ang PITX ng listahan ng mga fully booked na biyahe simula pa noong May 5, partikular na para sa mga rutang patungong Bicol, Visayas, at Mindanao.

Gayunpaman, tiniyak ng PITX na may nakalaang extra trips para sa mga pasaherong hindi pa nakakakuha ng ticket.

Samantala, may paalala si PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa sa mga nagbabalak pang bumiyahe para bumoto at makisaya sa Mother’s Day weekend, “Nakikita na po natin na marami nang taong pumipila dito. Kung nagde-decide pa lang sila na pumunta sa kanilang probinsya, pumunta na tayo ng mas maaga pa, dahil nakikita natin simula Thursday hanggang Sunday, marami pang taong dadagsa sa ating terminal. So punta na tayo dito para makabili ng tickets o di kaya maka-book tayo in advance.”

More in National News

Latest News

To Top