Connect with us

Mga pasilidad para sa mass testing ng COVID-19, nakahanda na

Mga gumaling na sa COVID-19, kailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine

COVID-19 UPDATES

Mga pasilidad para sa mass testing ng COVID-19, nakahanda na

Nakahanda na ang mga pasilidad ng pamahalaan na pagdarausan ng mass testing para sa mga apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez matapos bisitahin kahapon ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Quezon Insititute at ang Jose Ridriguez Memorial Hospital.

Naglaan ng 200 hospital beds ang Jose Rodriguez Memorial Hospital na may 51 ventilators at isa sa 3 ospital sa bansa na mayroong Philippine Medical Emergency Team.

Ang Quezon Institute naman na itinalaga bilang referral at quarantine center ay may 3 tents na kakayanin naman mag accomodate ng 100 pasyente kada araw.

Maliban sa pag iinspeksyon ng pasilidad, kinumusta rin ni Sec. Galvez ang mga medical frontliner na nakaposte sa mga nabanggit na health institution upang pataasin ang kanilang morale sa panahong ito ng krisis.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top