Connect with us

Mga petisyon vs confi funds ng OVP, ipinababasura

Mga petisyon vs confi funds ng OVP, ipinababasura

National News

Mga petisyon vs confi funds ng OVP, ipinababasura

Ipinapabasura sa Korte Suprema ang mga petisyon na kumukwestiyon sa konstitusyonalidad ng P125-M na confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2022.

Ayon kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng 19-page consolidated comment nito, ang mga petisyon ay pawang pangamba at haka-haka lang at hindi nagpapahayag ng “legally enforceable right”.

Nagsimula ang pagkuwestiyon sa confi funds ng OVP noong 2022 matapos nakita ng Commission On Audit (COA) na ang nai-transfer na P125-M mula sa Office of the President (OP) ay nag gastos lang sa loob ng labing 1 araw.

Dahil dito ay magkahiwalay nga na inihain ang dalawang petisyon kaugnay sa confi funds ng OVP noong November 2023.

Ang unang petisyon ay kumukwestiyon sa konstitusyonalidad ng P125-M transfer mula sa Office of the President papuntang OVP.

Ang 2 ay panawagan sa executive order no. 2 at ng Commission On Audit joint circular 2015-01 na syang nagpapahintulot sa paggamit, transfer at disbursement ng confi funds.

More in National News

Latest News

To Top