National News
Mga Pilipino sa Vietnam, pinag-iingat sa bagyong Noru
Nagpalabas ng abiso ang embahada ng Pilipinas sa Hanoi, kung saan pinapayuhan ang mga Pilipino doon na maging mapagmatyag at alerto kaugnay sa kautusan ng pambansa at mga lokal na awtoridad na may kinalaman sa bagyong Noru.
Babala din ng embahada ang bagyong Noru ang isa sa pinakamalakas na bagyo na tatama sa Vietnam sa loob ng 20 taon.
Kinumpirma din ng na ang tropical storm Noru ang kauna-unahang bagyong tatama sa bansang Thailand ngayong taon.
Ang nasabing bagyo ay may wind speed na 140kph at gumagalaw ito patungong kanluran na may lakas na 25kph at tatama muna sa Vietnam ngayong Miyerkules.
Tinutumbok nito ang probinsya ng DA nang at mga karatig probinsya.
May plano ding ilikas ng mga awtoridad ang mahigit 860,000 na residente na direktang maapektuhan ng bagyo sa mga probinsya ng Quang Binh at Binh Thuan.
Mahigpit din na hinihikayat ang mga Pilipinong naninirahan sa mga lugar na nabanggit na kaagad na sundin ang mga kautusan ng paglikas na ipapatupad ng mga lokal na awtoridad.
Nagbabala din ang Thai government sa mga mamamayan nito na nakatira sa mga bundok na posibleng magkaroon ng flash floods.