Connect with us

Mga Pinoy na lulan ng MV Grand Princess na naantala ang biyahe sa California, balik-bansa na

Mga Pinoy na lulan ng MV grand princess na naantala ang biyahe sa California, balik-bansa na

COVID-19 UPDATES

Mga Pinoy na lulan ng MV Grand Princess na naantala ang biyahe sa California, balik-bansa na

Balik-bansa na ang nasa 444 na mga Pinoy na lulan ng Mv Grand Princess na naantala ang biyahe sa Oakland, California dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Pasado 3:00 ngayong madaling araw ng lumapag sa Pampanga’s Clark Airbase ang eroplanong sinakyan ng mga repatriated na mga Pinoy.

Agad namang dinala ang mga ito sa Athletes’ Village sa New Clark City upang isailalim sa 14-day quarantine.

Magugunita na naantala ang biyahe ng naturang cruise ship matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang pasahero nito kabilang na ang kauna-unahang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit sa California.

Sa ngayon, 13 pinoy na sakay nito na nagpositibo sa COVID-19 ang ginagamot ngayon sa isang ospital sa Estados Unidos.

Ito naman ang 3rd batch ng mga repatriated OFWs dahil sa COVID-19.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top