Connect with us

Mga Pinoy repatriates mula Japan, ika-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac

National News

Mga Pinoy repatriates mula Japan, ika-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac

Tiniyak ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Department of Health (DOH) na kayang i-accommodate sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang daan-daang pinoy na darating bukas, Pebrero 25 mula Japan.

Ayon sa BCDA, kasya ang mga ililikas na Pinoy sa Athlete’s Village sa New Clark City.

Sa ngayon ay nabakante na ang naturang lugar dahil natapos na ang 14-days quarantine period ng 49 na mga Pinoy mula Wuhan City sa Hubei Province, China.

Nabatid na mula sa 538 Pinoy crew ay 497 pa lamang umano sa mga ito ang nagpaabot ng intensiyong umuwi ng Pilipinas.

Tiniyak naman ng DOH na hindi kasamang iuuwi sa bansa ang mga Pinoy na nagpositibo sa nasabing virus dahil kaila­ngan munang gamutin ang mga ito.

More in National News

Latest News

To Top