COVID-19 UPDATES
Mga Pinoy sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19, umaabot na sa 120
Umaabot na sa 120 ang mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Deparment of Health (DOH), 80 dito ay mula sa Diamond Princess Cruise Ship sa Japan.
Sa nasabing bilang sa Japan, 77 dito ay gumaling na.
19 naman na Filipino ang nadapuan ng COVID-19 sa Grand Princess Cruise Ship na pinigil sa California kung saan wala sa kanila ang gumaling.
9 naman na Pilipino sa Singapore ang nadapuan ng virus kabilang na dito ang bumiyahe sa Pilipinas at 2 na dito ang gumaling.
5 kaso naman ang naitala sa Hong Kong kung saan 3 dito ang nakalabas na sa pagamutan habang 2 pa ang nanantili sa pagamutan.
Apat na Filipino mula sa United Arab Emirates (UAE) ang nagpositibo sa COVID-19 at lahat sila ay naka-isolate.
2 Pinoy naman sa France ang nadapuan rin ng virus at isa naman ang naitala sa Switzerland.