National News
Mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19 umabot na sa 984
Umabot nasa sa 984 na Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagpositibo sa
Sa naturang datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), 585 dito ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital.
Habang 259 ang nakarecober o nakalabas na ng ospital at nasa 140 na ang nasawi.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OFW sa Europa na umabot na sa 350.
Sumunod ang Asia Pacific na may 274 habang ang America ay may 207 na kaso, at sa bahaging Middle East at Africa naman ay umabot na sa 153 ang kumpirmadong kaso.
