National News
Mga Pinoy sa Kenya, pinag-iingat sa gitna ng mpox outbreak
Pinag-iingat ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Nairobi, Kenya ngayong nagkaroon ng monkeypox o mpox outbreak sa mga bansa sa Africa.
Sa ngayon ay nasa 119 na mga Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Kenya.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang public health emergency of international concern dahil sa mabilis na pagkalat nito sa Democratic Republic of Congo at sa mga kalapit bansa.
Ang sakit na mpox ay nakakahawa sa pamamagitan ng direct contact sa apektadong indibidwal, hayop, bagay o respiratory droplets ayon sa WHO.
