Connect with us

Mga POGO hub na nakatayo malapit sa mga kampo ng militar at pulis, iniimbestigahan na – PNP

Mga POGO hub na nakatayo malapit sa mga kampo ng militar at pulis, iniimbestigahan na – PNP

National News

Mga POGO hub na nakatayo malapit sa mga kampo ng militar at pulis, iniimbestigahan na – PNP

Nakarating na sa kaalaman ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na nakatayo malapit sa mga kampo ng pulis at militar sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya naman, agad silang nagsagawa ng imbestigasyon ukol rito para tiyakin kung totoo ang mga impormasyon lalo pa’t nakasalalay rito ang posibleng banta sa seguridad ng publiko.

Pero paglilinaw ng PNP, may malaking papel rin kasi na ginagampanan ang mga LGU at national government sa pagpapahintulot na maitayo ang isang POGO hub.

“Marami na tayong nababasa mga open sources, sa mga balita na alleged location nitong mga POGO hub near vital installations but we have to validate this information but since this somehow concerns national security. So iba-validate natin, but, we have to reiterate also ‘yung pagbibigay ng lisensya at permit para mag-operate ang mga POGO is not within the ambit of regulatory powers ng PNP. Alam natin na nagbibigay ng permit diyan unang una ‘yung PAGCOR and of course kung meron silang ilalagay na mga business establishments nila sa particular area kailangan nila kumuha ng mga business permits sa mga concerned LGUs,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Nito lamang nakaraang buwan nang pasukin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang POGO hub sa isang subdivision sa Pasig City kung saan nakuha rito ang iba’t ibang ID’s, mga baril at bala at ilang uniporme ng Chinese military.

Agad namang sinampahan ng kaso ang mga ito.

“Like I said if this concerns national security definitely the PNP will be coordinating with concern agencies to validate or confirmed the reports that particularly that there are certain POGO hubs are being used for that purpose po,” dagdag nito.

Nauna nang napabalita ang pagdami ng POGO hubs at Chinese nationals sa bansa na pinaghihinalang mga espiya at kalauna’y nabatid na may ligal na basehan ang mga ito na manatili sa Pilipinas.

Babala ngayon ng PNP, hindi sila tumitigil sa pagbabantay sa mga kahina-hinalang kilos ng mga indibidwal o grupo para agad na mahuli ang mga ito at mapanagot sa umiiral na batas ng bansa.

“But sa ngayon ay wala pa naman po tayong namomonitor na seryosong banta but nonetheless hindi po tayo nagkukumpiyansa patuloy po tayong nagmamatyag at nagmomonitor po. ‘Yun ang kaya nating i-assure po na hindi po natin ito isinasantabi at ipinagwawalang bahala po ng inyong Pambansang Pulisya,” ani Fajardo.

More in National News

Latest News

To Top