Connect with us

Mga programa ng Duterte Admin vs COVID-19, matagumpay – OCTA Research

Matagumpay ang mga programa ng pamahalaan laban sa COVID-19! Ito ang inihayag ni OCTA research fellow Dr. Guido David

National News

Mga programa ng Duterte Admin vs COVID-19, matagumpay – OCTA Research

Matagumpay ang mga programa ng pamahalaan laban sa COVID-19!

Ito ang inihayag ni OCTA research fellow Dr. Guido David kaugnay sa maiiwanang legasiya ng administrasyong Duterte sa COVID-19 response ng Pilipinas.

Saysay ni David, bagama’t marami mang hamon sa umpisa, ay na-manage naman ito ng bansa.

Sa katunayan aniya, ang Pilipinas ang isa sa may mga pinakamagandang pandemic COVID situation sa Southeast Asia.

Partikular na maipagmamalaki ng bansa ang maayos na vaccination rollout.

“ So, nalunasan natin with the help of vaccination and helping together, working together. I mean, siyempre, these are trials and tribulations for our country and our countrymen pero nalusutan natin ito and I would say na success talaga iyong program ng gobyerno sa COVID-19 in the end. At ito iyong magandang ipinapakita natin and hopefully tumaas na tayo sa mga worldwide rankings pero, again, may mga sarili silang metrics, hindi naman natin kino-contest iyan, position nila iyan. Para sa akin, maganda iyong pandemic response sa atin,” saad ni David.

Samantala, iminungkahi ng OCTA research na mainam na ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang operasyon ng One Hospital Command Center (OHCC) at iba pang mga programa sa COVID-19 response ng Duterte Administration.

Ayon kay Dr. David, kahit pahina na ang COVID cases, magandang maipagpatuloy pa rin ang OHCC dahil centralized ang pagtugon dito lalo na noong kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Bukod dito, ani David, dapat ding maipanatili ang magandang COVID response, hindi lang sa nasyunal na lebel, kundi dapat maging sa mga lokal din.

Ito ay gaya na lamang ng pag-quarantine; ang ginawang hospital scaling-up ng Department of Health (DOH); lalo sa lahat ang bakunahan na dapat magtuluy-tuloy din.

Samantala, hinikayat naman ng grupong OCTA ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 habang nasa state of public health emergency ang bansa kung saan libre pang ipagkakaloob ang bakuna at upang mas lumakas pa ang proteksyon laban sa virus.

Aniya, “Pero kung wala na iyong [state of] public health emergency, of course, it is necessitated na hindi na ipo-provide ng government iyong free vaccines dahil it will be for public purchase na iyon kung gusto nilang magpabakuna. Pero hanggang nandiyan pa iyong [state of] public health emergency, i think sana, maipagpatuloy natin iyong vaccination para sa mga kababayan natin na gustong magpabakuna. Sana naman iyong mga kababayan natin ay magpabakuna na rin habang libre pa iyong bakun.”

Binigyang diin ni Dr. Guido David na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa para sa ikauunlad ng bansa.

Kasabay nito, patuloy na ipinaalala ng grupo ang pagsunod sa health protocols na itinakda ng gobyerno.

 

 

More in National News

Latest News

To Top