Connect with us

Mga propesor sa UP, dapat nang matanggal

Mga propesor sa UP, dapat nang matanggal

National News

Mga propesor sa UP, dapat nang matanggal

Dapat nang matanggal ang mga propesor sa University of the Philippines (UP) na nag-iimpluwensiya sa mga estudyante.

Ito ang inihayag ng columnist na si Dr. Paul Chua sa panayam ng Sonshineradio dahil hindi tamang impluwensiyahan ang kanilang mga mag-aaral sa kanilang paniniwala at paninindigan sa pulitika.

“Unlike itong mga UP professors na ito, na tinatanggal siya, baliktad yata. Itong mga UP professors na ito, ito dapat ‘yung matanggal because they’re influencing directly the thoughts and the actions of the students. As a parent, I will not allow that,” ani Dr. Chua.

Kailangan na rin aniya itong maitama.

Sinabi pa nito na tama ang ginagawa ni Prof. Clarita Carlos kung saan ginagampanan nito ang kanyang pagiging political analyst para sa makita ang sitwasyon ng pulitika sa bansa.

Umaasa din ito na mababago ng susunod na administrasyon ang hayagang cancel culture sa bansa dahil sa pulitika.

Ipinunto pa ni Chua na ibang-iba na ang mga kabataan sa ngayon dahil salat na ang mga ito sa respeto lalo na sa mga nakatatanda.

“That’s the problem na nakikita ko ngayon no? Kasi I’m sure you will appreciate the lessons that was taught to us by our parents and grandparents dahil ang sinasabi ko noong panahon namin, we we’re respectful of our elders. We were respectful of the opinions and we listened to our elders. Nakikinig kami. And I think this is what is lacking right now,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top