Metro News
Mga pulis na 54 anyos pataas, hindi ipakakalat sa mga checkpoint na ipinapatupad ng NCRPO
Trabaho sa opisina o administrative duty lang ilalagay ang mga pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga personahe nila na edad 54 anyos pataas.
Ito ay alinsunod na rin sa naging direktiba ni NCRPO Chief PMGen. Debold Sinas.
Maging ang mga may iniindang sakit anya ay hindi rin idedeploy sa mga checkpoint na itinatag sa ibang lugar sa Metro Manila kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa National Capital Region.
Sa ilalim ng enhanced community quarantine na ipinag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte, lilimitahan na ang galaw ng mga tao sa buong Luzon at ang pakikisalamuhan ng publiko para sa kanilang kaligtasan o seguridad laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang mga non-uniformed personnel naman o mga sibilyan na nagtatrabaho sa NCRPO maliban sa mga may supervisory posistion na may edad 50 anyos pataas ay hindi muna pinapapasok sa opisina simula pa noong Marso 15.
Ngunit kailangan pa rin nilang magreport sa kanilang supervisor araw-araw sa pamamagitan ng online hinggil sa estado ng kanilang health condition at sitwasyon sa kanilang lokalidad.
Tiniyak naman ni Sinas na ibubuhos lahat ng Metro Manila police ang lahat para maserbisyuhan ang publiko sa gitna ng banta ng COVID-19.
“We appeal to the public for your cooperation. Do not underestimate COVID-19’s ability to spread rapidly and exponentially. Policemen together with all the frontliners have families who wishes for them to go home safely as well. Everybody have sacrifices and some have sacrificed much more in this fight against this COVID 19.” saad ni Sinas.